Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon na siyang pondo pambili ng bakuna kontra COVID-19.
Sa kaniyang public address kagabi, sinabi ng Pangulo na kaya na ng Pilipinas na bumili ng bakuna ngunit kailangan pang dagdagan ang pondo para mabakunahan ang lahat ng Pilipino.
Nakahanap na ako ng pera, I have the money already for the vaccine, nakahanap na ako ng maraming pera because you know there are now 113 million Filipino and to me ideally all should have vaccine without exception, lahat para meron kayong lifetime o laban ‘yong body ‘yong armor mo ‘yung sundalo mo sa katawan mo malabanan siya.”
Sinabi rin ni Pangulong Duterte na prayoridad na mabakunahan ang mga mahihirap at pagbabatayan dito ang mga kabilang sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ang mauna ang mga mahirap na walang pera di makabayad, ang listahan ‘yong doon sa pantawid may listahan ‘yan, iyon ang sundin then pagkatapos to the public. ”
Ipa-prayoridad din umano ang kalusugan ng mga militar at security forces.
Para walang taguan I want my soldiers pati ‘yong security forces ng bayan mauna rin kasabay ng first batch kasi kailangan ko ng mga sundalo at pulis na ready help me na walang COVID and they are very vital to the security of the state for which reason they should be the first also. Kayo, kami mga sibilyan pwede tayong maglast.” -ani Pangulong Duterte