Aabot sa P20 bilyong ang tinatayang kakailanganin ng Pilipinas para ipambili ng bakuna kontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez para ito sa target nilang 20 milyong Pilipino na mauunang benepisyaryo ng bakuna.
Sinabi ni Dominguez na mayroong magagamit na pondo ang bansa para ipambili ng bakuna.
Ang Philippine International Trading Corporation anya sa ilalim ng DTI ang bibili ng bakuna at ang pondo ay uutangin sa Landbank at DBP.
Kayang-kaya ng DBP at saka ng Landbank i-finance itong purchase ng COVID virus about roughly P20 billion, so we have a plan and we will execute it as soon as the Department of Health chooses which vaccine or vaccines they want, baka you’ll choose several, as $10 per dose that should be around– siguro when they sell it, siguro mga P500 per dose,” ani Dominguez.