Inihayag ng dating liderato ng Kamara na may sapat na pondo ang pamahalaan para magamit sa panukalang batas na layong magbigay ng karagdagang ayuda sa publiko na naapektuhan ng nagpapatuloy na banta ng pandemya.
Ito ang pagtitiyak ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano, aniya base sa website ng Department of Budget and Management (DBM) na may higit P400-B savings pa ang pamahalaan.
Dagdag pa ni Cayetano, bukod sa naturang natipid na pondo, maaari ring kumuha ng pondo mula sa line items sa ilalim ng pambansang budget ngayong taon.
Dun din ani Cayetano kinuha ang pondo para sa Bayanihan 1.
Mababatid na inihain ni Cayetano ang House Bill 8597 o Bangon Pamilyang Pilipino Assistance Program na layong bigyan ng P10,000 financial assistance ang mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic.