Tinanggal na ng Senate at House Panel sa proposed 2019 national budget ang pondo para sa mga dredging project.
Ipinunto ng mga mambabatas na pinagmumulan lamang ng korapsyon ang budget para sa dredging.
Alinsunod ito sa mosyon ni Senator Panfilo Lacson sa Bicameral Conference Committee Meeting bagay na tinanggap at pinaboran ng House Bicam Panel.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang naturang hakbang ay isa sa major ammendment sa nagpapatuloy na bicam.
Mahirap anyang tukuyin ang cubic meter o kung gaano kalalim ang putik na kailangang hukayin.
Sa halip na ilagay sa 2019 national budget, naglaan na lamang ng pondo para sa pagbili ng mga dredging machine sa ilalim ng Department of Public Works and Highways.
(with report from Cely Ortega- Bueno)