Kinuwestyon ng mga senador kahapon ang mga opisyales ng officials Department of Agriculture (DA) at ang mga attached agencies nito sa 2016 budget kabilang kung paano nila tutugunan ang epekto ng El Niño para siguraduhin ang food stability sa susunod na taon.
Ang kabuuang agriculture sector ay may P91-billion pesos na budget para sa 2016.
Ang proposed budget para sa DA at sa mga attached agencies nito ay may P53.4 billion pesos, P1.4 billion pesos na mas mataas sa P52-billion pesos budget ng 2015.
Sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na may panukala din ang DA na P1.9-billion pesos supplemental budget para sa El Niño mitigation.
Subalit sinabi ni Senate President Franklin Drilon na hindi maaaprubahan ng Kongreso ang request dahil may sapat na pondo ang DA.
By Mariboy Ysibido