Dinoble ng Department of Labor and Employment o DOLE ang kanilang ilalaang pondo sa ‘emergency employment program’ para sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dinagdagan nila ng tatlumpung (30) milyong piso ang nauna na nilang inilaang kaparehong halaga para sa naturang programa.
Sinabi ni Bello na layon ng programang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa aktibidad ng bulkan.
Sa ilalim aniya nito ay mabibigyan ng pansamantalang trabaho ang bawat kinatawan ng pamilya sa mga evacuation centers kung saan sasahod sila ng halos tatlongdaang piso (P300) kada araw.
—-