Tinatayang tatlong daang (300) bilyong piso ang idinagdag na pondo para sa federal spending ng Amerika.
Ito ang napagkasunduan ng US Senate para hindi na muling magkaroon ng government shutdown.
Ayon kay Majority Leader Mitch McConnell, 80 billion dollars ang inilaan para sa disaster relief, 160 billion dollars ang mapupunta sa Pentagon at 128 billion dollars naman ang inilaan para sa non-defense programs.
Gayunman rerepasuhin pa ito ng US House of Representatives at kung aaprubahan ay saka pa lamang maipapatupad.
—-