Ipinababalik ng Kamara sa DBM o Department of Budget and Management sa dati nitong pondo ang flood control mitigation projects ng DPWH o Department of Public Works and Highways.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles, nasa mahigit isandaang libong piso ang nabawas sa pondo para sa nasabing proyekto sa susunod na taon.
Mula sa one million nine hundred thirty six thousand na pondo sa flood projects ngayong 2018 ay bumaba ito sa one million eight hundred eleven thousand para sa 2019.
Giit ni Nograles, sa halip na masolusyunan ang pagbaha ay mas lalo itong lumala dahil sa ibinawas na pondo.
Matatandaang, maraming lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan ang nalubog sa baha dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng habagat.