Ilalabas na ngayong linggo ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa fuel subsidy ng sektor ng transportasyon.
Ayon kay budget undersecretary Rolando Tolentino, isinasapinal na ang guidelines lalo’t pinalawak ang sakop ng tulong, at isinama maging ang transport network vehicle services o TNVS at delivery riders.
Una nang nanawagan ang ilang tsuper na idiretso sa gasolinahan ang pondo para matiyak na makatatanggap ang lahat ng subsidiya.
Nasa 6,500 ang ayuda bawat isa para sa 377,000 benepisyaryo.
Gagamitin pa rin ang lumang sistema na Pantawid Pasada card sa pamamahagi ng tulong.—sa panulat ni Abby Malanday