Inihayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na inaprubahan na ng Pamahalaan ang ikalawang tranche ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ayon kay Tulfo, galing ang impormasyon mula sa Finance Management Service.
Una rito, sinabi ng DSWD na tatanggalin nila ang 1.3 benepisyaryo ng 4Ps bilang bahagi ng paglilinis sa listahan ng ahensiya.
Pinag-aaralan naman ni Tulfo na gawing digitalized ang pamamahagi ng tulong-pinansiyal sa pamamagitan ng QR codes.