Muling isinasaayos ng Department of Education (DepEd) ang alokasyon ng pondo para mailapat sa mga bagong gastusin ng kagawaran.
Bunsod naman ito ng ipatutupad na bagong pamamaraan ng edukasyon o ang tinatawag na blended learning.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, kabilang sa mga tinitignang bagong gastusin ng kagawaran ang buwanang internet allowance ng mga guro.
Sinasang-ayunan din ni Malaluan ang pangangailan ng karagdagang allowance ng mga guro para makausap ang kanilang mga estudyante, magulang, kanilang mga supervisors at maging sa pakikilahok sa mga pagsasanay.
Dagdag ni Malaluan, batid ng kagawaran ang kaakibat na malaking gastusin sa implementasyon ng distance learning.
Una nang nananawagan ang grupong alliance of concerned teachers sa DepEd na pagkalooban ang mga guro ng P1,500 internet allowance kada buwan.