Ibinunyag ni dating Senador Panfilo Lacson ang P146 million na halaga ng irrigation projects na sinasabing isiningit ng isang Liberal Party Congressman sa 2015 national budget.
Bagama’t hindi pinangalanan ni Lacson, inilarawan ng dating senador ang nasabing kongresista na isang mataas na miyembro ng partido.
Tinukoy ni Lacson ang apat na proyekto sa ilalim ng National Irrigation Administration o NIA.
Mariin namang itinanggi ni Food Security Czar Francis Pangilinan na mayroong iregularidad sa mga naturang proyekto.
By Jelbert Perdez