Pinatitiyak ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa Department of Health (DOH) ang pondo para sa pagdeploy ng karagdagang mga health care worker sa mga pampublikong ospital sa bansa partikular na sa Metro Manila.
Ayon kay Salceda, nagkakaubusan o nagkukulang na ang health care workers dahil tinamaan narin sila ng COVID-19 bunsod ng Omicron variant.
Dahil dito, hindi na sapat ang mga health care workers na tumitingin o nagbabantay sa mga pasyente dahil kinailangang lumiban ng mga ito sa kanilang trabaho.
Sinabi pa ni Salceda na dapat humanap na ngayon ng funding sources ang DOH upang agad na makapag-hire ng mga health care worker napapalit sa mga personnel na kailangang mag-isolate.
Bukod pa dito, dapat din na maglabas ang DOH ng guidelines at protocols upang matiyak na may sapat at hindi maaantala ang serbisyo ng mga health personnel sa mga ospital. —sa panulat ni Angelica Doctolero