Siniguro ni Senate Finance Committe chairperson Sonny Angara na may sapat na pondo para sa Libreng Sakay program sa susunod na taon.
Sa ilalim ng 2023 General Approprioations Act (GAA), may alokasyong pondo na P2.16B para sa Public Utility Vehicle (PUV) Service Contracting Program.
Ipinunto ng Senador na malaking tulong ang pagpapatuloy ng Libreng Sakay lalo na’t kinakailangan ito ng mga pasahero.
Dapat anya siguruhin na sapat ang mga bus na maghahatid sa mga mananakay upang hindi kami maipon ang mga pila.
Bukod pa sa EDSA sa Metro Manila magbebenepisyo rin mula sa Libreng Sakay Program ang mga commuter sa bansa. –sa panulat ni Jenn Patrolla