Aprubado na ang pondo para sa marawi rehabilitation sa kasalukuyang taon na nagkakahalaga ng P3.56-B.
Ayon kay Task Force Marawi Chairperson at Housing Secretary Eduardo Del Rosario, nagpalabas na ng Special Allotment Release Order (SARO) ang Department of Budget and Management (DBM).
Tiwala si Del Rosario na makatutulong ang pondo para sa mas mabilis na pagpapatupad at pagkumpleto sa mga proyekto nakalaan sa muling pagbangon at pagsasaayos ng Marawi City.
Sinabi ni Del Rosario, nakalaan ang P1.91-B sa pondo para sa programa sa temporary at permanent na pabahay ng National Housing Authority sa lungsod.
Mahigit P155-M naman ang inilaan para sa Marawi Permanent Shelter Program ng social housing finance corporation.
Habang mahigit P558-M ay para naman sa konstruksyon ng ilang mga pampublikong pasilidad at imprastraktura sa pinakaapektadong lugar sa Marawi City.