Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na mainam kung ilalaan nalang sa benepisyo ng mga health care workers ang pondo para sa mass testing sa taong 2022.
Ayon kay Duque, pagbabakuna at agarang isolation ang pinaka kailangan sakaling may maramdamang sintomas ng COVID-19 ang isang indibidwal dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi pa ng kalihim na hindi na kailangan ng contact tracing sa mga lugar na may mataas at mabilis ang transmission ng COVID-19 at ilaan na lamang ito sa mga lugar na may mababang transmission.
Dagdag pa ni Duque, kailangan ng bagong istratehiya dahil sa panibagong hamon ng bansa bunsod ng panibagong variant ng COVID-19.
Sa ngayon, prayoridad sa mass testing ang nasa kategorya ng a1, a2 at a3 na may comorbidities o immunocompromised dahil ang mga ito ang mas mabilis na nahahawaan ng COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero