Posibleng matigil na ngayong taon ang pagbibigay ng medical at burial assistance ng Office of the Vice President.
Ito ay matapos tablahin ng Kongreso ang pondo ng ovp para sa mga nasabing programa sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act.
Sa 2025 GAA, makatatanggap lamang ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte ng 733 million pesos, malaking agwat sa hinihingi nitong dalawang bilyong pisong budget.
Tinapyasan ng mga Mambabatas ang pondo ng pangalawang pangulo dahil sa paulit-ulit na pang-iisnab para ipaliwanag ang paggamit sa kontrobersyal na confidential funds ng OVP at Department of Education.
Bukod pa rito, dahil din sa sinasabing overlapping o pagkakapareho ng mga programa ng OVP sa social welfare projects ng DSWD at Department of Health. Sa panulat ni Laica Cuevas