Tiniyak ng pamahalaan na sapat pa ang pondo ng pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente na lumikas mula sa kaguluhan sa Marawi City.
Ayon kay DSWD o Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo wala pang natatanggap na foreign aid ang Pilipinas.
Iginiit ni Taguiwalo na wala rin namang pangangailangan para sa anumang ayuda na galing sa ibang bansa dahil sa kontrolado pa ng pamahalaan ang sitwasyon.
Batay sa tala ng DSWD, nasa mahigit tatlong libong (3,000) pamilya ang nagpasyang lumikas dahil sa mahigit isang buwan nang bakbakan sa Marawi City.
By Ralph Obina
Pondo para sa mga apektado ng Marawi crisis sapat pa—DSWD was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882