Sapat ang pondo ng pamahalaan para sa mga iskolar ng bayan.
Ito ang tiniyak ni Pasig City Congressman Roman Romulo matapos lagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Republic Act 10648 o ang “Iskolar ng Bayan Act of 2014”.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Romulo na sa ilalim ng inakda niyang batas ay awtomatikong iskolar na ng national government ang top ten graduates sa mga public high school sa buong Pilipinas.
“Sa unang 6 na taon ng implementation simula itong taon na ito ay ginawa po natin na automatic ‘yung admission ng top 10 sa mga state university or college kung pumasok sila sa isa sa mga ito sa rehiyon kung saan sila nakatira,” Pahayag ni Romulo.
Aniya nasa walumpung libong (80,000) mga top 10 graduate ng mga pampublikong paaralan ang maaaring pumasok ng libre sa mga state universities and colleges.
Samantala, sa oras naman na ganap nang maging batas ang Unified Financial Assistance Bill ay magiging malaking tulong ito upang makatapos ng pag-aaral ang mahihirap na mga estudyante.
“Maaari kayong makahingi ng tulong ng financial assistance sa national government, siguraduhin naman po natin na lahat ng kabataang Pilipino na nasa kolehiyo na gustong mag-aral ng kolehiyo at magtapos ng kolehiyo ay dapat matulungan n gating gobyerno at hind imaging balakid ang kahirapan.” Paliwanag ni Romulo.
By Jelbert Perdez | Rianne Briones | Kasangga Mo Ang Langit
Photo Credit: canadianinquirer.net