Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police o PNP na ibibigay sa kanilang mga nakatalagang pulis ang pondong nakalaan para sa kanila.
Kasunod na rin ito ng naging usapin ng naipit na pondo sa kasagsagan ng pagbisita sa bansa ni Pope Francis noong Enero.
Ayon kay C/Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, hindi pagkakaunawaan sa pagbibigay ng food allowance ang naging-ugat ng problema na ngayo’y nasolusyunan na ng PNP.
Bukod sa pagkain, binibigyan din ng gamot, hygiene at first aid kits gayundin ng pre-paid load ang mga nakatalagang pulis upang mabilis na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco