Hindi na dapat bigyan ng pondo para sa susunod na taon ang National Task Force Against Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Ito ang binigyang diin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon makaraang lumabas sa ulat ng Commission on Audit (COA) na 12% lamang ng kabuuang P772 milyong pondo ang nagamit bilang Anti-Insurgency Fund ng Task Force.
Giit ni Drilon, kaya namang suportahan ng pamahalaan ang paglaban sa insurgency kaya’t kung paglalaanan pa ito ng pondo mababawasan ang limitadong resources na dapat sana’y magagamit sa mas mahahalagang bagay.
Kung patuloy aniyang paglalaanan ng pondo ang Task Force ELCAC, sinabi ni Drilon na lalakas lang ang mga suspetsa na isa lamang itong malaking campaign kitty sa kabila ng inilabas na COA report.