Ipapamahagi na ng pamahaalaan ngayong araw sa mga LGUs ang pondo para sa 5,000 pesos na ayuda para sa bawat pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, ang mga LGUs ang mamamahala sa distribusyon ng ayuda na babantayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang mga makatatanggap ng ayuda ay ang mga natukoy ng naturang mga ahensya na labis na naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Sinabi pa ni Nograles na iba pa ito sa shelter assistance ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD)at National Housing Authority (NHA).