Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pagproseso sa pagpapalabas ng pondo para sa pagsasaayos ng mga eskuwelahang nasira ng Bagyong Rolly.
Ayon kay DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service Head Ronilda Co,naunanang ipiniroseso ang pondo para sa agarang paglilinis at pagsasaayos ng mga apektadong eskuwelahan.
Susundan naman aniya ito ng pondo para sa pamamahagi ng hygiene, teachers’ at learners’ kit.
Sinabi ni Co, nagsimula na rin ang pagsasagawa ng detailed assessment ng kanilang mga engineers at DRRM coordinators para matukoy ang kakailanganing pondo para sa pagsasaayos ng nasirang mga eskuwelahan.
Una nang sinabi ng DepEd na umaabot sa mahigit 200 mga eskuwelahan ang nagtamo ng tinatayang P489.5 million na halaga ng pinsala matapos tamaan ng Bagyong Rolly.