Inaprubahan na ng House Committee on Appropriations ang funding provisions ng panukalang pagtatatag ng Department of Water Resources (DWR) at ang Water Regulatory Commission.
Sa budget hearing ng komite kinatigan ng mga miyembro ang bahagi ng panukala para sa budgetary requirements na kakailanganin sa pagtatatag ng mga nasabing bagong ahensya.
Ang panukalang DWR na isa sa priority bills ng administrasyong Duterte ay magiging pangunahing ahensya na responsable sa pamamahala ng water resources sa bansa.
Ang DWR ang tutugon sa kumprehensibo at integrated planning, policy formation, management at ownership, utilization, exploitation, development at pagbibigay proteksyon sa water resources.
Sinabi ni Congressman Marvey Marinio, sponsor ng bill na layon din nito na matiyak na ligtas, sapat at tuloy-tuloy ang supply ng tubig sa mga Pilipino gayundin ang maayos na pamamahala at epektibong regulasyon sa water services.
P2-B naman ang kakailanganing pondo habang P300-M naman ang sa Water Regulatory Commission.