Inihgayag ng Kamara de Representantes na kanilang tututukan ang paglalaan ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga pampublikong imprastraktura na nasira ng magnitude 7 na lindol.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, inilutang ni Senator Imee Marcos ang ideya na magkaroon ng restoration fund at magtayo ng ahensya sa ilalim ng Office of the President upang maging mabilis ang pagtulong sa mga nasalanta.
Sinabi pa ni Romualdez na babalangkasin ang paglalaan ng pondo sa tulong ng mga kinatawan at iba pang opisyal ng mga nasalantang probinsya.
Nabatid na nag-abot din si Romualdez kay Abra Rep. Ching Bernos ng personal na tulong para sa mga nasalantang residente.
Samantala, nanawagan din siya sa kanyang mga kasamahan sa kamara na magsagawa ng damage assessment bilang paghahanda sa isasagawang budget hearing.