Aprubado na ng Investment Coordination Committee Cabinet Committee ang rehabilitasyon ng MRT o Metro Rail Transit 3.
Ayon sa NEDA, ang 22 billion pesos na pondo para maisaayos ang buong sistema ng MRT 3 ay mula sa ODA o Official Development Assistance ng Japan.
Ipinabatid ng Department of Transportation na ang nasabing rehabilitation project ay sisimulan sa ikatlong bahagi ng 2018 at inaasahang matatapos sa first quarter ng 2021.
Sinabi ng DOTR na bago matapos ang buwang ito ay lalagdaan na ang loan agreement na susundan naman ng pagdating ng japanese maintenance contractors na mangangasiwa sa naturang proyekto.
Kapag naayos na ang kabuuan ng train, power supply system, radio system, signaling system, public address system parti na rin ang mga CCTV, asahan ng aabot sa 60 kilometer per hour ang magiging bilis ng takbo ng mga tren at tatlong minutong waiting time para sa mga pasahero.