Iminungkahi ni Senate President Franklin Drilon na dagdagan ng P500 milyong piso ang pondo ng COMELEC para sa transmission ng resulta ng mga boto sa 2016 elections.
Ayon kay Drilon, mahalagang dagdagan ang pondo para sa Electronic Results Transmission Solution Management Services upang matiyak na tama ang mga ipadadalang resulta ng boto mula sa mga presinto.
Gayunman, bigo naman itong matalakay ng Senate Committee on Finance sa kanilang deliberasyon.
***
Samantala, nasungkit ng Smartmatic-TIM ang 507 million peso electronic results transmission deal sa 2016 elections.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez, nakatipid ng P50 milyong piso ang COMELEC sa nabanggit sa alok ng Smartmatic pinakamababa kumpara sa iba pang bidder.
Iprinesenta rin anya ng Smartmatic pinakamahusay na technical capabilities kumpara sa offer ng Ezcom Telecommunications Service and Solutions Corporation, Edgecomm Incorporated at SOG Philippines.
Nakapaloob din sa proposal ng nanalong bidder na isasama nito ang site survey sa mga lugar na nagkaroon ng failed transmission sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo.
Ipinaliwanag ni Jimenez na ang karanasan ng Smartmatic sa 2010 at 2013 elections ang naging bentahe upang manalo sa bidding.
By Meann Tanbio | Drew Nacino