Posible umanong gamitin sa 2016 elections ang pondo para sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Giit ni Fr. Edwin Gariguez, Executive Secretary ng National Secretariat for Social Action NASSA/Caritas Philippines, nangangamba sila na baka hinihintay ang 2016 bago ilabas ang pondo.
Lumabas sa pag-aaral ng NASSA/Caritas Philippines at ilang advocacy groups na P73.51 billion lamang mula sa P170 billion ang inilabas na pondo ng budget department para sa mga biktima ng naturang super typhoon.
By Jelbert Perdez