Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mayroong sapat na pondo para makaalalay sa panahon ng kalamidad sa gitna ng nararanasang pandemya bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Quinta sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas.
Ayon kay Executive Director Ricardo Jalad, ang ahensya ang prayoridad pagdating sa mga dinadagdagan ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM).
Ani Jalad, nagsisilbing standby fund ng pamahalaan ang pondo na nakalaan sa NDRRMC.
Mayroon kasi aniyang tinatawag na quick response fund ang iba pang pitong ahensya o departamento at maaari pa itong dagdagan ng DBM.