Pinag-aaralan pa ng Department of Health (DOH) ang kinakailangang pondo para sa libreng COVID-19 test sa mga health facilities na pinangangasiwaan ng pamahalaan.
Kasunod naman ito ng naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng libreng COVID-19 testing sa susunod na taon.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kanilang isusumite ang magiging resulta ng pag-aaral tanggapan ng pangulo upang mahanapan ng mapagkukunan ng pondo.
Samantala, patuloy namang umaapela si Duque sa mga laboratoryo na panatilihing mababa ang presyo ng kanilang RT-PCR testing para hindi maging mabigat sa bulsa ng publiko.
Magugunitang, nagpalabas ng joint administrative order ang DOH at Department of Trade and Industry hinggil sa paglalagay ng cap sa presyo ng RT-PCR test.