Aabot sa halos P8.9-B ang kakailanganin para maibalik sa ayos ang lahat ng mga pampublikong paaralan na pawang napinsala dahil sa magkakasunod na bagyo.
Ayon sa disaster risk reduction and management service ng DEPED, P5.2-B ang kailangan para sa mga nasirang paaralan nang humagip ang bagyong Rolly, habang P3.7-B naman sa pinsalang iniwan ni bagyong Ulysses.
Pero paliwanag ng DEPED, ang nabanggit na halaga ay sasailalim pa rin sa ‘validation at verification process’ ng ahensya.
Mababatid kasi na 1,190 ang kabuuang bilang ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang nasira dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.