Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi kasama sa panukalang 2023 budget ang dagdag na pondo na kakailanganin kung ipagpapaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.
Ayon ka COMELEC chairman George Garcia, kakailangan ng karagdagang 10 billion pesos kung gagawin ang barangay at SK polls sa may 2023.
Dagdag pa aniya dito ang pangangailangan ng 17 billion pesos kung ang eleksyon ay ipagpapaliban hanggang sa December 2023.
Matatandaan na buwan ng Agosto nang pagbotohan ng house suffrage and electoral reforms committee ang pagpapaliban ng barangay at sk elections.
Samantala, sinabi ni Albay representative Edcel Lagman na mas mainam na pondohan ng Kamara ang matagal nang hinihiling ng COMELEC na sariling gusali na aabot sa halagang 9.3 billion pesos na mas mababa sa pondo na kailangan para sa pagsasagawa ng BSKE sa 2023.