Sapat ang pondo ng gobyerno para sa vaccination program nito kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito, ayon kay National Action Plan Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon ay kahit pa malaking bahagi nito ay manggagaling sa mga loans.
Aniya, may sapat na pera ang bansa para sa kinakailangang dami ng bakuna at sa lahat ng iba pang kailangan para sa pagbabakuna.
Magugunitang una nang sinabi ni COVID-19 policy chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na target ng gobyerno na mabakunahan kontra COVID-19 ang nasa 50-milyon hanggang 70-milyong Pinoy ngayong taon.