Tiyak na mababantayan ng publiko ang bilyung-bilyong pisong pondo na nakapaloob sa isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF).
Tiniyak ito ni House Speaker Martin Romualdez batay na rin sa mga probisyong sa MIF bill na inirekomenda ng Minority Bloc.
Ang inaprubahang bersyon ng MIF ay may probisyon para magamit ng publiko ang Right to Freedom of Information hinggil sa mga transaksyong papasukin ng MIF.
Kabilang sa mga naipasok na probisyon sa MIF bago maaprubahan sa ikalawang pagbasa ang Period of Individual Amendments.
Isa sa mga probisyon na maaaring silipin at makakuha ng kopya ang publiko sa lahat ng dokumento ng MIF at ng Maharlika Investment Corporation (MIC) na siyang nangangasiwa sa pondo.
Itatago rin ng National Archives of the Philippines ang investment record ng MIC.