Pinahaharang ng grupo ni dating Budget Secretary Professor Ben Diokno ang pagpapalabas ng pondo na bahagi ng P424 billion pesos lump sum budget sa 2015 national budget.
Ipinaliwanag ni Diokno na kanilang ipinadedeklarang unconstitutional ang naturang pondo, dahil nagmistulan itong panibagong budget na itinago sa kasalukuyang national budget.
“Part ng petition na we’re asking for a temporary restraining order na kung ano man ang hindi pa nagagawa as of now wala namang release, at the same time, we actually ask a petition to Supreme Court to ask Secretary Abad to explain why he shouldn’t be in contempt of court.” Ani Diokno.
Iginiit din ni Diokno na maliban sa napakalaking lump sum budget, mali din aniya ang pagbibigay ng kapangyarihan sa department secretaries na maglipat ng pondo.
“Exemption na nga yun na kapag may savings, puwedeng gamitin ng presidente, ng senate president, ng house speaker at mga constitutional officers yung savings sa kanilang sariling budget, again sa 2015, binibigyan nila ng authority ang mga department secretaries to re-allign.” Pahayag ni Diokno.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit