Palaisipan sa mga Heneral ng Afghanistan kung sino o saan nagmumula ang pondo ng Islamic State.
Pinuna ni Lt. General Mohammad Waziri, isa sa mga Afghan Generals na nangunguna sa paglaban sa Islamic State na hindi nangunguna ng armas at bala ang mga militante kapag sinasalakay nila ang Afghan Forces.
Maliban sa pondo, palaisipan rin kay Waziri kung paanong pabalik -balik lamang ang mga militante sa Afghan-Pakistan Border.
Samantala, mula sa 9 ay nasa 2 hanggang 3 distrito na lamang di umano ang kontrolado ng Islamic State.
Napasok ng Afghan Forces ang ibang mga distrito mula nang ipag utos ni US President Barrack Obama ang air strikes sa mga lugar na hawak ng Islamic state.
By: Len Aguirre