Tumaas ang pondong ginugol ng Department of Health para sa RPRH o Responsible Parenthood And Reproductive Health
Ayon sa 2015 Accomplishment Report ng DOH gumastos ito ng 40.7 Billion Pesos para sa RPRH services mula sa 26. 8 Billion Pesos nuong 2014
Pumapalo naman sa 240 Million Pesos ang nagamit na pondo ng Commission on Population para sa RPRH activities nito kung saan daan daang libo ang nakinabang sa pamamagitan ng pre marriage counselling at Usapan Serye Program
Samantala nakapag reimburse naman ang PHILHEALTH ng 10. 14 Billion Pesos bilang pambayad sa halos Isang Milyong kababaihang nanganak sa isang facility mula sa halos 800,000 lamang nuong 2014 at may halos 8 Bilyong Pisong claims
Bahagi rin ng Accomplishment Report ng DOH ang pagtaas ng bilang ng mga kababaihang gumagamit ng Birth Control Pills
Bumili rin ang DOH ng Anti Retroviral Drugs na nagkakahalaga ng 220 Million Pesos at nakatakdang i deliver ngayong taon para pakinabangan ng 15,000 kataong apektado ng HIV bukod pa sa libreng testing services sa buong bansa
By: Judith Larino