Tinatayang aabot sa P200,000 ang inilaang pondo ng Ministry of Health ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito’y para sa buwan-buwang pagpapatuloy ng operasyon at maintenance ng mga Rural Health Units sa rehiyon.
Ayon kay BARMM Minister of Health na si Dr. Saffrullah Dipatuan, mahalagang mabigyan ng pondo ang kanilang mga Regional Health Units dahil ito aniya ang pangunahing naghahatid ng serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.
Masaya namang ini-ulat ni Dr. Dipatuan na kumpleto naman ang natatanggap nilang suporta mula sa Department of Health (DOH) para maipagpatuloy ang operasyon ng kanilang mga health units.
Bagama’t regular naman silang nag-uulat sa DOH ay obligado pa rin ang mga Regional Health Units na mag-liquidate na nakabatay sa accounting at auditing rules and regulations.