Nagsanib – puwersa ang Australia at mga bansang nasa Timog Silangang Asya para harangin ang pondong ipinadadala sa mga terorista sa rehiyon ng Asya.
Ang alyansa ay tatawaging Southeast Asia Counter Terrorism Financing Working Group na pangungunahan ng AUSTRAC, ang financial intelligence agency ng Australia at Anti Money Laundering Council o AMLC ng PILIPINAS.
Ang bawat bansang kasapi sa alyansa ay inaatasang harangin at huwag bigyan ng access sa international financial system at iba pang source of funding ang pondo para sa mga teroristang grupo.
Paiigtingin din ng mga kasaping bansa ang palitan ng impormasyon hinggil sa mga aktibidad ng mga terorista sa kani – kanilang mga bansa.
Sinasabing ang pag – atake ng Maute – ISIS sa Marawi City ay bahagi ng plano ng ISIS na makapagtatag ng kanilang kampo sa Timog Silangang Asya.