Nakatakda umanong ilipat ng Kamara sa libreng matrikula para sa mga mag-aaral sa kolehiyo ang mga itinapyas na pondo sa tatlong ahensya ng pamahalaan.
Ito’y makaraang bigyan ng Mababang Kapulungan ng tig-P1,000 budget ang CHR o Commission on Human Rights, NCIP o National Council on Indigenous People at ERC o Energy Regulatory Commission.
Ayon kay House Appropriations Committee Chair at Davao Representative Karlo Nograles, pagsasamahin ang mga itinapyas na pondo mula sa mga nabanggit na ahensya na nagkakahalaga ng mahigit 1 bilyong piso para gamitin sa pagpapatupad ng Free College Education Law.
Batay sa kuwenta ng DBM o Department of Budget and Management, mahigit 350 milyong piso ang dapat nakalaan para sa ERC, 1.13 milyon naman para sa NCIP at mahigit 600 milyong iso naman para sa CHR ang ililipat sa CHED na siyang magpapatupad ng naturang batas.
—-