Pinabibilisan na ng Malakanyang sa kamara ang pagpasa nito sa budget ng Department of Education (DEPED) para masuportahan ang bagong sistema nito sa pagtuturo sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, nararapat na suportahan ng pamahalaan ang kagawaran dahil sa paiiralin nitong online learning at iba pang paraan gaya ng paggamit ng learning modules.
Pagdidiin ni Roque, sa kabila ng agam-agam ng iba at takot na hindi magiging maayos ang pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa, tiwala aniya ito sa DEPED na mairaraos magagawang mabuti nito ang pagsisimula ng klase, gayundin sa mga susunod na araw.
Mababatid na sa ilalim ng higit 4 na trilyong National Expenditure Program (NEP) para sa susunod na taon, makakakuha ang DEPED ng malaking parte nito na aabot sa higit P754 trilyon.