Hinimok ni Senate Minority floor leader Ralph Recto ang Duterte Administration na itaas ang pondong nakalaan para bigyan ng legal assistance ang mga OFW na may kinakaharap na kaso tulad ni Mary Jane Veloso gayundin ang repatriation budget ng Department of Labor and Employment.
Inirekomenda ni Recto na itaas sa Isang Bilyong Piso mula sa kasalukuyang 400 Million Pesos ang pondo para sa “Assistance to Nationals” ng Department of Foreign Affairs at 500 million ang kasalukuyang 100 Million Peso legal assistance fund ng DFA. O kabuuang 1.5 Billion Pesos.
Sa ganitong paraan anya ay magkakaroon ng malaking pondo ang gobyerno upang matulungan ang mga OFW na may legal problem at kailangang maiuwi dahil sa kaguluhan sa mga bansang kanilang pinag-ta-trabahuhan.
Ipinaliwanag ng Senador na nakalulungkot na bagaman tumaas ng 12.3 percent ang dollar remittance ng mga OFW simula 2013, nananatiling 400 Million Pesos lamang ang pondo sa “Assistance to Nationals” at 100 Million Pesos lamang ang legal assistance fund.
By: Drew Nacino / Cely Bueno