Nabunyag na natukoy sa Pilipinas ang pondong ninakaw sa account ng Bangladesh Central Bank sa US Federal Reserve.
Kumbinsido ang Bangladesh Central Bank na na-hack ang kanilang account sa US Federal Reserve subalit tumanggi silang banggitin kung magkano ang nawala sa kanilang account at magkano ang na-recover sa Pilipinas.
Ayon sa Bangladesh Central Bank, nakikipagtulungan sila sa anti-money laundering authorities sa Pilipinas upang mabigyang linaw ang insidente.
Sinasabing pumapalo sa P28 bilyong piso ang foreign currency reserves ng Bangladesh sa New York Fed.
Samantala, itinanggi ng New York Fed na nagkaroon ng pagtatangkang i-hack ang Federal Reserve Systems.
By Len Aguirre