Aprubado na ng Department of Health (DOH) ang pooled testing para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inanunsyo ni testing czar Vince Dizon sa kanyang pagdalo sa Laging Handa Public Briefing.
Ayon kay Dizon, alinsunod sa ipinalabas na panuntunan ng DOH, maaaring pagsama-samahin ang swab samples ng hanggang limang tao na low risk sa COVID-19 para isalang sa pagsusuri gamit ang iisang RT-PCR test kit.
Batay aniya sa susunding sistema, kapag naging negatibo ang resulta sa pooled testing, nangangahulugan itong negatibo sa virus ang lahat ng magkakasamang sinuri.
Subalit kapag nagpositibo aniya ang resulta nang pooled testing, sa pamamagitan aniya ng pooled testing, mapapababa ang bayad sa COVID-19 tests.
Sinabi ni Dizon, magagamit ito partikular sa mga balik bansang Overseas Filipino Workers (OFWs).