Isinusulong ng Commission on Population and Development (POPCOM) sa susunod na administrasyon ang pagtutuloy ng family planning program.
Ito ayon kay POPCOM Chief Dr Juan Antonio Perez, III ay matapos pumalo sa 8.1 million Pinoy couples, partners at individuals ang nakakabatid na sa family planning program ng gobyernong Duterte.
Mas mataas ito aniya ng 25% o 2 milyon mula nang simulan ng Duterte administration ang family planning program nuong 2016.
Sinabi ni Perez na mula 2016 hanggang 2022, nasilayan ng mga Pilipino ang mainstream implementation ng Republic Act 10354 o Responsibile Parenthood and Reproductive Health Law na aniya’y malaking tulong upang madagdagan ang mga nag-avail ng family planning services na 30% mula nang maipasa ang batas nuong 2021.
Lumalabas sa pinakahuling Field Health Services Information System sa isyu ng contraceptive methods pills pa rin ang pinipili ng mahigit 3 milyong kababaihan hanggang nuong 2020.