Kinilala ni Commission on Population and Development (POPCOM) Chief Juan Antonio Perez, III ang mga nagawa ng The Challenge Initiative (TCI) Program na naglalayong mabawasan ang teenage pregnancies sa Pilipinas.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtatatag ng adolescent-friendly health facility na makatutulong sa positive health-seeking behavior ng kalusugan ng isang indibidwal at pagpapabuti ng access sa family planning programs.
Kabilang sa mga nagboluntaryo nang ilunsad ang TCI noong 2020 ang lungsod ng Cagayan De Oro, Dipolog, at Puerto Princesa.
Sa kasalukuyan, nasa proseso ng pagdidisenyo at pagpapatupad ng naturang hakbang na ibabatay mula sa iba pang TCI hubs sa ibang bansa ang mga lungsod ng Baguio, Santiago, San Jose, Biñan, Naga, Tacloban, Iloilo, Tagum, Tacurong, at General Santos. —sa panulat ni Airiam Sancho