Tutukan ng Commission on Population and Development (Popcom) ang pangangailangan ng mga batang ina.
Ito’y sa gitna ng inaasahang pagsipa ng bilang ng mga menor de edad na mabubuntis ngayong taon.
Ayon kay Popcom Executive Director Juan Antonio Perez, sisimulan ngayong taon ang pagbibigay ng social protection sa mga batang ina.
Ani Perez may kani-kaniyang programang binuo ang Department of Social Welfare and Development at Department of Health ngunit kailangan itong pagisahin.
Isa rin umano na kailangan tugunan ay ang pondo para mabigyang ayuda ang mga batang ina.
Plano anilang pagusapan sa susunod na buwan kasama ang dswd kung saan makakakuha ng pondo.