Nabunyag na may 200,000 mga implants na naka-imbak sa punong tanggapan ng Department of Health o DOH sa Maynila ang nakatakda nang mapaso o ma-expire sa susunod na taon.
Ito’y bunsod ng inilabas na TRO o Temporary Restraining Order ng Korte Suprema sa ilang contraceptives na una nang nilinaw ng FDA o Food and Drug Administration na non-abortifacient o hindi nakapagpapalaglag ng sanggol.
Dahil dito, inamin ni Juan Antonio Perez III, Executive Director ng POPCOM o Population Commission na problema nila kung paano uubusin ang nasabing mga implants dahil kinakailangan nila itong iturok sa hindi bababa sa 1000 babae kada araw.
Giit ni Perez, tiyak na masasayang lamang ang libu-libong implants na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso kung hindi magagamit at hahayaang mapaso lamang sa mga imbakan.
Dagdag pa ni Perez, hindi mabubuntis ang isang babaeng sasaksakan ng naturang implant sa loob ng dalawang taon.
—-