Absent si Pope Francis sa kanyang new year’s eve at new year’s day services dahil sa iniindang sakit ng kanyang mga binti.
Ayon sa abiso ng Vatican, si Cardinal Giovanni Battista Re muna ang mangunguna sa year-end service, si Cardinal Pietro parolin naman ang mangunguna sa Friday mass.
Habang susundin naman ang nakasaad sa schedule na pangungunahan ng santo papa ang idaraos na noon prayer.
Mababatid ayon sa mga doktor ng Santo Papa, nakararanas anila ito ng kondisyon na sciatica—na siyang dahilan kung bakit nananakit ang ibabang bahagi ng likod at ibabang parte ng katawan ng Santo Papa.
Kasunod nito, tiniyak ng Vatican sa publiko na regular na nakakatanggap ng physical therapy session ang Santo Papa para tuluyang gumaling ang kanyang kundisyon.