(AFP Photo)
Kapwa nanawagan ng kalayaan sa paniniwala at pananampalataya sina Pope Francis at mataas na Muslim cleric ng Arabian Peninsula.
Sa kanyang makasaysayang pagbisita sa United Arab Emirates, nakipagpulong si Pope Francis kay Sheikh Ahmed Al-Tayeb, ang Imam ng pinaka-prestisyosong paaralan ng Sunni Islam.
Ang dalawang religious leaders ay lumagda sa isang dokumento patungkol sa kapatiran tungo sa kapayapaan ng sanlibutan.
Nanawagan sila na mabigyan ng kalayaan ang lahat sa kanilang mga paniniwala, proteksyon para sa mga lugar kung saan sumasamba ang mananampalataya at full citizenship rights para sa mga minorities.
—-